Akin Lang Naman By Gloc-9 feat G-Dawg a.k.a Gordon Lambatan

Lyrics

Akin Lang Naman
By Gloc-9 feat. G-Dawg a.k.a Gordon Lambatan

Chorus:
Wag mo kong pansinin
wag mo kong pakinggan
pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
Wag mo kong pansinin
wag mo kong pakinggan
pagkat ang sinasabi ko oooh
ito ay akin lang naman

Dead ma yan ang dapat mong gawin
pag narinig ang bawat salita
na basa ng laway sa king bibig
na aking dinudura sa mga pagmumuka
ilan ba ang natutuwa kapag ako ang tumula

wala naman naisip ko lamang bigla ano kaya
kung isang araw ako ang syang kumabig ng taya
sa sugal na kung tawagin ng iba’y pulitika
malamang sa malamang kung di kilala lugi ka

kaya’t ang mabuti pa’y ipaubaya mo na sakin
ang hindi mo nakikita susubukan kong baguhin
isang araw lang naman ang iyong pagpapahiram
ng kapangyarihan ang nakahawak ay iilan

hindi tama ang magbintang
subukan nating magbilang
ilang taon ang dumaan
bakit napagiiwanan
di ko po kayo pinangungunahan o dinidiktahan
dahil ang mga sinasabi ko ay akin lang naman

Chorus:
Wag mo kong pansinin
wag mo kong pakinggan
pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
Wag mo kong pansinin
wag mo kong pakinggan
pagkat ang sinasabi ko oooh
ito ay akin lang naman

alam kong di ito madali at medyo mabigat
pero kung susumahin ang importante lang sa lahat
ay marunong kang maawa sa mga naghihirap
minsan kailangang sumagot kahit walang kausap

nang wala nang batang namamalimos at nakaapak
wala umiiyak dahil ang kinabukasan ay tiyak
libre ang makapag-aral
hustisya’y di mabagal
ang kawalan ng pera sa ospital ay hindi sagabal

Chorus:
Wag mo kong pansinin
wag mo kong pakinggan
pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
Wag mo kong pansinin
wag mo kong pakinggan
pagkat ang sinasabi ko oooh
ito ay akin lang naman

kung ako ang presidente
busog ka na sa bente
ang lahat ay pantay-pantay
kahit skwater man o disente
lahat ay may bubong
lahat ay may dingding
kung walang makain ay di magsasangla ng singsing
dahil ang pasweldo ay tama
sa mga manggagawa
sa dagdag sahod ay di kailangang magmakaawa
mga lagay-lagay
perang tangay-tangay
kapag napatunayan ikulong lahat sabay-sabay
kase walang maya-mayaman
dapat maya-maya lang
tinuturuan ng leksyon mga maya-mayabang
mga abusado sa kagawaran ng gobyerno nagaagawan na sa pwesto
mahawakan lang ang porsyento pero
kahit suntok sa ulap
baka ika’y mamulat
kinakalawang na pinto sabay nating itulak
laging tandaan di ko po kayo dinidiktahan
dahil ang mga sinasabi ko’y akin lang naman

Chorus:
Wag mo kong pansinin
wag mo kong pakinggan
pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
Wag mo kong pansinin
wag mo kong pakinggan
pagkat ang sinasabi ko oooh
ito ay akin lang naman

Advertisements

The Nose Knows

Uncategorized

After weeks of preparation(up until now), my business has been finally reborn!

Introducing

The New And Improved!

There are still more to come so better stick around!

Special thanks to Jeuz Nova for design and layout.